COVID-19 sa NCR humuhupa na – UP expert

COVID-19 sa NCR humuhupa na – UP expert

September 23, 2020 @ 1:52 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kinumpirma ng mga eksperto mula University of the Philippines nitong Miyerkoles na bumabagal na ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila.

 

 “The R for the Philippines is .92 and the R for (National Capital Region) is .83. These numbers are below 1 which is good,” ani Professor Ranjit Rye ng UP-OCTA Research team.

Sa kabila nito, dapat makita pa rin ang tuloy-tuloy na pagbaba ng kaso ng linggo pa bago mapababa ang community quarantine status sa NCR.

 “We caution [the government] with regards to prematurely downgrading the quarantine status of the NCR. This decision should only be made if there is supporting data and only on the advice of health experts,” aniya pa.

Base sa datos ng UP-OCTA na nananatiling mataas ang positivity rate ng Pinas sa 10.4 percent, doble ang taas sa benchmark ng World Health Organization sa limang porsyento o mas mababa pa.

 “Case doubling rate is 11 days, which is faring better but still below the (Inter-Agency Task Force) rate of 28 days for (modified general community quarantine,)” ani Rye. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...