COVID-19 sa PH 224,264 na; 39 patay, 464 gumaling, 3,483 bagong kaso

COVID-19 sa PH 224,264 na; 39 patay, 464 gumaling, 3,483 bagong kaso

September 1, 2020 @ 4:15 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pumalo na sa 224,264 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 3,483 na mga bagong kumpirmadong kaso ngayong araw.

Ang mga resulta ng bagong mga kaso ay mga isinumite ng 93 mula sa 110 laboratoryo sa bansa na lisensyado ng DOH.

Inanunsyo rin ng DOH na 464 ang recoveries kung saan umabot na sa kabuuang 158,012 ang COVID-19 related recoveries.

Sa bilang ng reported cases ngayong September 1, 3,191 (92%) ay nangyari sa nagdaang dalawang Linggo mula  August 19 hanggang September 1, 2020.

Top regions na may mataas na naitalang kaso sa nagdaang dalawang Linggo ay NCR na may 1,689 o 53%;  Region 4A (639 o 20%) at Region 3 (213 o 7%).

Samantala umabot na sa 3,957 ang bilang ng mga pumanaw  dahil sa karagdagang 39.

Sa bilang na 39, noong August nangyari ang 34 (87%);  2 (5%) noong  July; 1 (3%) noong June at 2 (5%) noong May.

Mula naman sa NCR ang 18 sa mga pumanaw; Region 4A , 9;  Region 6, 5 ; tig 1 naman sa Region 7, 5, 3, 2, 10, ROF at BARMM.

Habang tinanggal sa total case counts ang 38 duplicates  kung saan 11 rito ang recovered case.

Tatlo (3) kaso naman ang iniulat na recovered cases ngunit nalaman na pumanaw sa ginawang final validation ng DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...