COVID-19 saliva tests sa probinsya pinag-aaralan ng DOH

COVID-19 saliva tests sa probinsya pinag-aaralan ng DOH

January 25, 2022 @ 8:34 AM 8 months ago


MANILA, Philippines –  Sisilpin ng Department of Health ang posibilidan na paggamit ng COVID saliva test sa mga probinsya.

Tugon ito ng DOH sa nauna nang rekomendasyon ni Philippine Red Cross chairman Sen. Richard Gordon na gamitin ang COVID-19 saliva tests para sa virud detection sa bansa.

Sinabi pa ni Gordon na mas mura ito kaysa sa pinag-aaralan ng DOH na antigen test kits.

“That can be an option for us and it’s going to really help sa mga areas na mahirap maka-access ng [in areas that do not have access to] laboratories,” tugon ni Health Undersecretary Rosario Vergeire kay Gordon sa interbyu sa CNN Philippines.

Tinawag din ng opisyal na “workable and acceptable” ang suhestyon ni Gordon lalo na at maraming PRC laboratories sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Pero, ipinaliwanag niya naman kung bakit mas ginagamit ng gobyerni ang antigen test para sa mga symptomatic.

“Ang antigen kasi very useful ngayon ‘yan sa ating communities kasi ang antigen is most accurate when you have symptoms and a lot of individuals right now are having symptoms,” aniya pa.

“In a few hours kasi you get the test result already and you can manage the cases already. That’s why the antigen test is being pushed by the Department of Health right now,” aniya pa.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng Food and Drug Administration ang paggamit ng antigen kits na maaaring magamit sa bahay.

Hanggang sa ngauon kasi ay tanging antigen lang na naaprubahan ng FDA ang ginagamit sa mga laboratoryo at healthcare professionals. RNT