COVID-19 test sa mga residente, libre sa Makati

COVID-19 test sa mga residente, libre sa Makati

January 18, 2022 @ 7:58 AM 7 months ago


MANILA –  Magpapamahagi ang Makati City government ng libreng coronavirus disease (COVID-19) tests sa kanilang mga kwalipikadong residente.

Sa isang social media advisory, inanunsyo ng local na gobyerno na papayagan nila ang mga symptomatic residents na maka-avail ng reverse transcription-polymerase chain reaction at antigen tests sa Covid-19 nang libre.

Ang mga senior citizen, persons with comorbidities, indigent population, at kahit ang mga hindi bakunadong residente na naging close contacts ng COVID-19 patient ay kwalipikado rin sa COVID-19 tests, dahil sila ang mga pinakabulnerableng sektor.

“Ipapatupad ito dahil sa tumataas na demand ng libreng Covid-19 testing,” saad sa abiso ng Makati LGU.

Ang kanilang city epidemiology and surveillance unit ang magdedeisyon naman kung ang pasyente ay sasailalim sa antigen o RT-PCR tests.

Ang mga symptomatic residents o mga nakararanas ng sintomas ng COVID ay maaaring makipag-ugnayan sa: 0917-844-6997, 0917-812-1229, 0917-844-6904, (02) 8870-1442, (02) 8870-1444, (02) 8870-1447, (02) 8870-1448, o sa email via [email protected]

Maari rin silang makipag-ugnayan sa e-consultation services ng Makati sa Facebook o Viber application. RNT