COVID-19 tests, palalawigin pa

COVID-19 tests, palalawigin pa

July 12, 2020 @ 1:44 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakatakdang mag-invest ang gobyerno para mas mapalawig pa ang mga hakbangin sa pagsusuri at pag-track ng mga indibidwal na posibleng infected ng coronavirus disease.

Ito ang inanunsyo ni presidential spokesman Harry Roque na maglulunsad ng mas pinalawig na programa laban sa virus.

“‘Yan po talaga ang ating papaigtingin, ang T3 natin – testing, tracing. Now iyong tracing talaga, we really will invest heavily in this kaya nga magsisimula na iyong proseso ng pagkuha ng 50,000 more tracers,” lahad ni Roque.

“Ang istratehiya, kinakailangan talaga malawakan ang ating targeted testing at ginagawa na po natin iyan at mayroon nga pong bagong programa na ilulunsad tungkol dito, tapos kapag na-trace na natin, paigtingin din natin iyong ating tracing nang ma-isolate po natin lahat iyong pupuwedeng magkalat ng sakit,” dagdag pa nito.

Naunang inanunsyo ni Roque na layon ng gobyerno makapagsagawa ng 10 milyong test.

“Maghintay lang po tayo sa detalye pero bukod po doon sa 10 million na na-order na natin at one million na na-deliver na na PCR testing, magkakaroon po ng mas malawak pang targeted testing na iaanunsiyo po natin sa mga darating na panahon,” paliwanag pa nito.

“If I were to look back and what we could have done better, siguro po noong nagkaroon tayo ng unang kaso na imported case ng COVID, eh dapat pinalawak na natin iyong testing capacity natin kaagad.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...