COVID-19 ‘top threat’ vs Pinoy maliban sa NPA, terorista

COVID-19 ‘top threat’ vs Pinoy maliban sa NPA, terorista

January 18, 2022 @ 8:41 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Rodrigo  Duterte na ang coronavirus (COVID-19) ay nananatiling “top threat” sa mga Filipino maliban sa New People’s Army (NPA).

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, inamin ng Pangulo na patuloy na nag-aalala ang gobyerno dahil sa COVID-19.

“The number one threat to the Filipino today, aside from itong NPA and the terrorist, is really the COVID-19 fight,” ani Pangulong Duterte.

“It is really a debilitating sickness and a lot of Filipinos are — kasi contagion ‘yan, eh. Hawa-hawa. Mabilis,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “That keeps us worried in the coming months.”

Sa kabilang dako, inamin din ng Chief Executive na umaasa siyang ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ay umabot na sa peaked o rurok.

Gayunpaman, ipinaalam naman sa kanya ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa naman iyon ang kaso.

Patuloy na nakapagtatala ang Pilipinas ng mahigit 30,000 COVID-19 cases daily para sa nakalipas na mahigit na dalawang linggo, surge na posibleng ginatungan ng Omicron variant.

Matatandaang, isinailalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Kalakhang Maynila at 81 iba pang lugar sa ilalim ng Alert Level 3 hanggang sa katapusan ng buwan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Noong nakaraang linggo, muling umapela ang Malakanyang sa publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 dahil patuloy na maituturing na mapanganib ang bagong Omicron variant lalo na sa mga hindi pa kailanman nagpapabakuna laban sa COVID-19.