COVID-19 update: 191 pa patay, 5,484 bagong kaso, 3,925 gumaling

COVID-19 update: 191 pa patay, 5,484 bagong kaso, 3,925 gumaling

July 8, 2021 @ 4:00 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala pa ng 5,484 na karagdagang bagong kaso ang Department of Health ngayong Hulyo 8.

Bunsod nito, umabot na sa kabuuang 1, 455,585 ang mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Nakapagtala rin ng karagdagang 3,925 na gumaling dahilan para maging 1,380,899 na ang COVID-19 recoveries.

Ang namatay naman ay umabot na sa kabuuang 25,650 matapos madagdagan pa ng 191.

Ang aktibong kaso naman ay nanatiling nasa 49,036 o 3.4%.

Kaugnay pa rin sa COVID-19, nagpaalala ang DOH na kasabay ng masusing  pag-iingat  laban sa pagkahawa ng COVID-19 ay panatilihin ang pagiging alisto para sa ating kalusugan.

Maging wais din umano sa mga kinakain para maiwasan ang anumang sakit na dulot ng hindi  wastong diet. Jocelyn Tabangcura-Domenden