COVID-19 update: 5,881 dagdag kaso, 3,003 gumaling, 70 patay

COVID-19 update: 5,881 dagdag kaso, 3,003 gumaling, 70 patay

July 9, 2021 @ 4:00 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa 1,461,455 ang kabuuang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health.

Ngayong araw ay nakapagtala ng dagdag na 5,881 kaso.

Samantala, nasa 3,003 naman ang gumaling dahilan para umabot na sa 1,383,833 ang bilang ng COVID-19 recoveries.

Nasa kabuuang 25,720 naman ang namamatay na matapos madagdagan pa ng 70 na pumanaw.

Habang nasa 51,902 o 3.6 porsyento ang mga aktibong mga kaso na patuloy na ginagamot sa mga ospital at quarantine facilities.

Paalala ng DOH, iwasan ang magpa-kampante sa oras na makaramdam ng simtomas at agad na makipag-ugnayan sa BHERTS o One COVID Referral Center upang lubos na maiwasan na makahawa.

Ayon pa sa DOH na mainam na piliing magpabakuna upang maproteksyunan ang ating mga sarili at taong nakapaligid sa atin. Jocelyn Tabangcura-Domenden