COVID-19 vaccination priority list nalabag sa Week 1 ng rollout – Roque



COVID-19 vaccination priority list nalabag sa Week 1 ng rollout – Roque

March 4, 2021 @ 4:40 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Aminado si presidential spokesperson Harry Roque na nagkaroon ng mga paglabag sa protocol sa unang linggo ng COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Ito ay makaraang maturukan ng COVID vaccine ang ilang opisyal tulad nila Undersecretary Jonathan Malaya ng Department of Interior and Local Government, Michael Salalima ng MMDA Public Safety Office and Disaster Risk Reduction and Management, at Quezon Representative Dr. Angelina Tan kahit pa iginiit na uunahin at prayoridad ang health workers.

“Hindi tayo perfect, may kaunting breaches, but we have learned from these breaches,” saad ni Roque.

“Now, everybody knows that medical frontliners muna ang mauuna.”

Depensa ni Roque, nagpaturok sina Malaya at Salalima upang mapalawig ang kapanatagan ng publiko sa bakuna.

“They were prompted by the officials of the Pasay General Hospital to be vaccinated as well. Sila iyong tinanong, ‘Ano Usec. Malaya, Usec. Salalima, gusto ba ninyong magpabakuna na rin para mapataas iyong kumpiyansa ng taumbayan?’ Now, the two naman, in good faith, thought that they were doing the nation a service by having themselves vaccinated kasi nga mataas pa iyong tinatawag nating distrust sa bakuna,” paliwanag pa ni Roque.

“So upon being prodded and being offered and guided by their own desire to increase public confidence in the vaccine ay nagpabakuna po sila.”

“Sa aking pagkakausap kay Usec. Malaya, hindi talaga niya alam na hindi na-approve iyong gusto namin na mga taong gobyerno ang magpapaturok para nga ma-increase po ang vaccine confidence. Kasi nga po iyong desisyon naman ng NITAG [National Immunization Techinical Advisory Group] na huwag nang bakunahan ang iba pang mga tao beyond Secretary Galvez, Secretary Vince Dizon and Chairman Abalos was not really disseminated properly,” saad pa nito.

Maaalalang maging si vaccine czar Carlito Galvez, Jr., testing czar Vince Dizon, at Metro Manila Development Authority chair Benhur Abalos ay nabakunahan din laban sa COVID sa isinagawang “symbolic vaccinations” sa iba’t ibang ospital.

“Pero ngayon po malinaw na. It was not until the second day or at the end of the first day that a NITAG decision na huwag munang gumamit ng mga influencers kumbaga, was widely disseminated.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •