COVID-19 vaccination sa 5-anyos pababa, pag-aaralan ng PH gov’t

COVID-19 vaccination sa 5-anyos pababa, pag-aaralan ng PH gov’t

June 23, 2022 @ 5:24 PM 6 days ago


MANILA, Philippines- Pag-aaralan ng Pilipinas ang posibleng pagbabakuna sa mga kabataan na 5 taon pababa  laban sa  COVID-19.

“Aaralin nang husto. Depends sa studies abroad and if may vaccines although some include below 5 years old. We will see sino may EUA (emergency use authorization) at ano ire-recommend ng HTAC (Health Technology Assessment Council),” ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Myrna Cabotaje.

Ayon sa  Reuters,  nagsimula na ang Estados Unidos na  bakunahan ang mga kabataan na hanggang sa anim na buwan matapos na payagan  ng  Food and Drug Administration (FDA) ng US ang Moderna para sa mga kabataan na may edad na anim na buwan hanggang limang taon at  Pfizer  para sa mga kabataan na anim na buwan hanggang apat na taon.

Sinabi ni Cabotaje na ang  vaccine program ng bansa ay “already in place” para sa  incoming administration.

Gayunman, sinabi nito na mayroong pangangailangan na itaguyod ang  pagbabakuna ng booster shots at ng  primary series.

“Need to advocate for boosters and those who have not received their primary doses. Need to see if vax will be available for below 5 years old and what will be given EUA & HTAC recommendation,” ani Cabotaje.

“Baka ito ang ma-procure later unless may donations tayo from COVAX & other bilateral partners. Otherwise, we have sufficient vaccines given the jab rates natin now,” dagdag na pahayag nito.

Kamakailan lamang, sinimulan na ng Pilipinas na i-rolled out ang  booster dose vaccination para sa  immunocompromised children  na may edad na 12 hanggang  17 taong  gulang.

Sinabi ng mga awtoridad na ang  pagbabakuna sa  natitirang “age group” ay magsisimula matapos ang ilang araw.

“As of June 20,” nakapagbakuna ang Pilipinas ng  maghigit sa 70 milyong Filipino o 77.85%  ng  target population.

Samantala,  mahigit sa 9.5 milyong  adolescents na may edad na 12 hanggang 17 at 3.3 milyong kabataan na may edad na  5 hanggang  11  ang fully vaccinated. Kris Jose