COVID-19 vaccination sa Pinas magsisimula sa Pebrero 15

COVID-19 vaccination sa Pinas magsisimula sa Pebrero 15

February 8, 2021 @ 7:24 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magsisimula ang pagbabakuna sa mga health worker sa Pilipinas kontra coronavirus disease (COVID-19) sa Pebrero 15 ayon kay presidential Spokesperson Harry Roque Jr.

“Inaasahan nating magsisimula na tayo sa akinse… Sa katunayan, ‘yung mga medical frontliner, kumpleto na po ang mga pangalan nila,” ani Roque.

Lahad pa nito na paparating na ang unang batch ng bakuna ng Pfizer-BioNTech na may 117,000 dose kung saan mababakunahan ang unang master list mula sa mga ospital sa bansa.

Unang makatatanggap ang Philippine General Hospital na may 5,000 workers na nakalista, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, at East Avenue Medical Center.

Ayon sa World Health Organization, 117,000 dose ng Pfizer-BioNTech vaccine ay mula sa COVAX Facility na darating sa bansa sa ikalawa o ikatlong linggo ng Pebrero.

Habang 5.5 hanggang 9.2 milyong dose naman ng bakuna ng AstraZeneca ang darating sa huling linggo ng Pebrero o unang linggo ng Marso.

“Inaasahan natin na lahat nung nasa paunang frontliners natin na humigit kumulang 1.4 million, hindi aabot ng isang buwan para matapos natin lahat ng medical frontliners,” saad pa ng spokesperson.

Sa kasalukuyan, ang mga bakuna ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca pa lamang ang mayroong emergency use authority (EUA). RNT/ELM


  •  
  •  
  •