COVID-19 vaccination, umarangkada na sa Malabon

COVID-19 vaccination, umarangkada na sa Malabon

March 5, 2021 @ 12:03 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MALABON – Umarangkada na ang COVID-19 vaccination program sa lungsod.

 

Pinangunahan ni Mayor Lenlen Oreta ang nasabing roll out kung saan unang binakunahan ang mga medical frontliners sa Ospital ng Malabon.

Kinilala ang unang nabakunahan sa syudad na si Dr. Mitzi Tanchoco na doktor sa nasabing ospital.

“Alam nating marami pa rin ang takot at nangangamba sa ngayon pero umaasa kami na sa pamamagitan nito, mas marami pang pamilya ang mahikayat na magpabakuna alang-alang sa kanilang mga mahal sa buhay,” ani Oreta.

 


Katuwang ang Department of Health-NCR sa pangunguna ni Dr. Corazon Flores, MPH, CESO IV, inihayag ng pinuno ng lungsod na hangarin nilang mapabakunahan ang higit-kumulang 70% ng kanilang populasyon.

Pinaalalahanan din ni Oreta ang kanyang mga residente na huwag magalinlangan sa pagpapabakuna at maiisa sakaling pwede na ito para sa kanila.

 


“Magpalista na po sana tayo para po handa na tayo at masimulan na ang proseso, yung mga frontliners natin matagal nang nagpa-practice at handa nang gampanan ang mga tungkulin nila, hinihintay na lang po natin yung bakuna para sa lahat, pero tayo sa lungsod ng Malabon, handang-handa na,” paalala ni Oreta. RNT


  •  
  •  
  •