COVID-19 vaccine certificates iiisyu ng DICT sa ‘early August’

COVID-19 vaccine certificates iiisyu ng DICT sa ‘early August’

July 10, 2021 @ 2:23 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maaari nilang simulan ang pamamahagi ng coronavirus vaccine certificates sa mga bakunado na sa susunod na buwan.

Ayon kay DICT Undersecretary Emmanuel Rey Caintic, naghihintay na lamang sila sa local government units (LGUs) na makumpleto ang pagpapasa ng vaccine recipients’ information sa verification database system.

“By early August, pwede na natin ilunsad and vaccine certificate para sa ganoon, pag magrequest ang isang tao ng vaccine certificate nandoon ang record niya most likely,” lahad ni Caintic.

“Mas maganda na mas marami-rami na ang mga LGU na naka submit ng kanilang mga backlog of line lists.”.

“Para sa ganun pag nag request na ang tao ng kaniyang vaccine certificate hindi naman siya mabigo at parang wala doon ang kaniyang datos,” dagdag pa nito.

“Kung naisubmit na ng LGUs ang kanilang listahan come July 31, pwede na tayo mag-issue ng vaccine certificate, at pwede ‘yan gamitin for international travel.” RNT/FGDC