COVID-19 vaccine certificates ipamamahagi simula Agosto – DICT

COVID-19 vaccine certificates ipamamahagi simula Agosto – DICT

July 11, 2021 @ 10:58 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Simula Agosto, inaasahang mamahagi ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng COVID-19 vaccine certificates sa mga bakunadong indibidwal.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DICT Undersecretary Manny Caintic na pinamamadali na sa mga lokal na pamahalaan ang encoding ng vaccination information sa verification database system ng ahensya.

Ayon sa opisyal, maaaring mag-encode ang mga LGU sa Vaccine Information Management System (VIMS) hanggang Hulyo 31.

“Kung mai-submit na ng mga LGU ang kanilang mga listahan come July 31 ay pwede na tayo mag-issue ng vaccine certificates at pwede ‘yan gamitin for international travel,” aniya.

“By August, early August, pwede na natin ilunsad ang vaccine certificate para sa ganon, ‘pag mag-request ang isang tao ng vaccine certificate andoon ang record niya most likely,” saad pa ni Caintic.

Dagdag ni Caintic na batay sa digital certificate standards ng World Health Organization ang ipamamahaging vaccine certificates.

Katuwang ng DICT ang WHO at International Air Transport Association sa vaccination status verification system.

Ang vaccination cards ay maaaring gamitin sa loob at labas ng bansa.

Giit pa ni Caintic, hindi maaaring mapeke ang vaccination card dahil may unique quick response code ito. RNT/ELM