COVID-19 vaccine indemnity fund, pinabilis na pagbili lusot na sa Senado

COVID-19 vaccine indemnity fund, pinabilis na pagbili lusot na sa Senado

February 23, 2021 @ 4:46 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Lusot na sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang batas na magpapabilis sa pagbili ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) at ang bayad-pinsala sa mga magkakaroon ng malalang sintomas ng bakuna.

Sa botong 22-0-0 aprubado na ng Senado ang Senate Bill 2057 na sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte.

Sa ilalim nito, inaatasan ang Department of Health (DOH) at ang National Task Force Against COVID-19 (NTF) na manguna sa negosasyon ng pagbili ng bakuna pati na mga suplay at serbisyo sa pamamahagi at transportasyon nito.

Pinahihintulutan din nito ang mga lokal na pamahalaan na bumili ng COVID-19 vaccine sa pamamagitan ng multiparty agreement. RNT/ELM


  •  
  •  
  •