COVID-19 variant, narito na sa Pinas – Kiko Rustia

COVID-19 variant, narito na sa Pinas – Kiko Rustia

January 12, 2021 @ 5:58 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ni Kiko Rustia, isang dating host ng Born to be Wild, na mayroon nang bagong COVID-19 variant sa Pilipinas at nasa isang ICU ng isang ospital umano ang biktima.

Sinabi ni Rustia na ginawa nito ang pahayag upang mabigyan ng babala ang lahat ukol sa bagong anyo o variant na higit na mabilis makapanghawa kumpara sa virus ng orihinal na COVID-19.

Kumakalat na rin umano ito sa kanilang mga group chat, ayon sa pakikipanayam ng Remate online kay Rustia.

Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Rustia na hindi man siya 100 porsyentong tiyak sa katotohanan dito, minabuti nitong ilabas ang balita sa gitna umano ng maituturing na hindi kaaya-ayang track record mismo ng pamahalaan sa ganitong usapin.

“Yes po, and like I mentioned nga po sa Tweet, di pa 100% confirmed lalo na’t di na ako nabalikan…decided to share it na din to raise awareness and encourage added precaution. Given our track record…it was never about IF dumating dito sa Pinas, but WHEN. Because ako po personally, naniniwala ako andito na. Thats my opinion lang po though,” ayon kay Rustia.

Matatandaang pinupuna ang pamahalalan, lalo na ang mga ahensyang nakatoka sa pagsubaybay sa COVID-19, partikular ang Department of Health, na mabagal itong kumilos at muling naungkat ang problemang ito sa pagbili ng bakuna.

Magkagayunman, wala pang reaksyon ang Department of Health ukol rito at nananatili ang pahayag nitong wala pa rin sa bansa ang anomang bagong variant ng nasabing sakit.

Upang matiyak na hindi basta makapasok ang COVID variant, sineselyuhan nang husto ng Pilipinas ang pagpasok ng mga Filipino at dayuhang galing sa mga bansang nagsasabing napasok na sila ng COVID variant gaya ng United States, United Kingdom, China at iba pa. Joey Sarmiento


  •  
  •  
  •  

Loading...