COVID-19 vax deals posibleng mawala ‘pag inilantad ang presyo – Galvez

COVID-19 vax deals posibleng mawala ‘pag inilantad ang presyo – Galvez

January 19, 2021 @ 7:07 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Posibleng mawala ang COVID-19 vaccines deal mula sa ibang brand kung ilalantad ang presyo nito sa publiko, batay kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

“Maaari pong mawala sa atin ang 148 million doses ng nine-negotiate po natin sa vaccine companies kapag lumabag po tayo sa ating kasunduan,” saad nito.

Sinusubukan aniya ng gobyerno na makipag-ugnayan sa mga bakunang ligtas, epektibo, at mura.

“Wala pong korapsyon.”

“Hindi po tayo papasok, ang pamahalaan, sa kahit anong negosasyon o pipirma sa isang kontrata kung tayo ay madedehado,” punto pa nito. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •