COVID-19 vax gumagana vs ‘severe’ Omicron – US data

COVID-19 vax gumagana vs ‘severe’ Omicron – US data

January 23, 2022 @ 11:16 AM 8 months ago


WASHINGTON, United States — Patuloy na gumagana ang COVID-19 vaccines at booster shots sa severe symptoms ng Omicron variant, ayon sa isang ‘large real-world study’ mula sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Sinuri ang datos ng higit 300,000 na pagbisita sa emergency departments, urgent care clinics, at hospitalizations sa 10 estado mula Agosto 26, 2021 hanggang Enero 5, 2022.

Saad pa sa pag-aaral na sa panahong dominante ang Delta variant, umaabot sa 90% ang bisa ng bakuna laban sa pagkakaospital ng tinamaan ng COVID-19 sa 14 hanggang 179 na araw matapos na mabakunahan ng dalawang turok.

Habang sa panahong 180 araw at higit pa, bumaba ang bisa ng bakuna sa 81 porsyento.

Habang tumaas muli ito sa 94% bisa sa 14 araw o higit pa matapos maturukan ng booster shot o ikatlong turok.

Sa pag-usbong naman ng Omicron variant, umaabot ang bisa ng bakuna laban sa virus sa:

  • 81 porsyento sa 14-179 araw matapos ang dalawang turok

  • 57% sa higit 180 days maapos ang dalawang turok, at

  • 90% sa 14 araw o higit pa mula nang maturukan ng booster shot

Nakasaad pa sa pag-aaral na habang tumaas ang bilang ng nasawi sa mga bakunadong indibidwal dahil sa Delta, na aabot sa 20,000 katao mula Hulyo hanggang Nobyembre, ipinakikita rito na 16 beses mas mataas ang tsyansa na mamatay sa COVID ang hindi bakunado sa kaparehong panahon. RNT