COVID-19 wave posibleng umabot ‘gang ‘ber’ months – OCTA Research

COVID-19 wave posibleng umabot ‘gang ‘ber’ months – OCTA Research

August 8, 2022 @ 3:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posibleng umabot ang “prolonged” COVID-19 wavesa bansa hanggang “ber” months, ayon kay OCTA Research fellow Guido David nitong Lunes.

Sinabi ni David na mas matagal kumpara sa inaasahan ang kasalukuyang wave, at sinabing ang Omicron BA.4 wave sa South Africa ay nagtagal lamang nang dalawang buwan.

“Nagsimula [dito sa Pilipinas] more or less around June, July to August so dapat naka-two months na tayo,” ani David sa Laging Handa briefing.

“Pero hindi pa tayo nasa peak. It’s taking longer. Right now, it’s looking like it will last up to 4 to 5 months, well into the ‘ber’ months,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni David na ang mas matagal na COVID-19 wave sa bansa ay posibleng dahil sa iba pang variant na nagdudulot ng karagdagang impeksyon.

Isa pang posibilidad, base kay David, ang humihinang immunity mula sa mga bakuna sa pag-unti ng mga nagpaparturok ng COVID-19 booster shot.

“Most of them had their vaccines last year pa and konti lang yung nagpa-booster so nagkakaroon ng waning immunity. Bumababa yung antibody levels natin,” sabi ni David.

“Then, adherence to minimum public health standards is always important,” patuloy niya. RNT/SA