COVID active case sa Pinas sumirit sa 37,000

COVID active case sa Pinas sumirit sa 37,000

September 27, 2022 @ 6:57 AM 2 months ago


Nakapagtala ang Department of Health o DOH ng 2,001 na bagong kaso ng COVID-19 na nagdala nationwide tally na 3,940,201.

Base sa pinakahuling DOH bulletin, ang aktibong kaso sa bansa ay tumaas sa 37,082 mula sa 35,999 Noong Linggo–na nagresulta ng ika-apat na sunod na araw na mayroong mahigit 30,000 aktibong impeksyon ang bansa.

Ang kabuuang recoveries ay 3,840,300 habang ang bilang ng nasawi tumaas ng 29 hanggang 62,819.

Ang Metro Manila ay nanatiling rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na 14 na araw na may 13,861 na impeksyon. Sinundan ito ng Region IV-A na may 5,138; Nakapagtala ang Rehiyon III ng 2,819; Rehiyon XI na may 1,324; at Rehiyon VI na may 810.

Ang bed occupancy sa bansa ay nananatiling nasa mababang panganib na nasa 25.8%. Ibig sabihin, sa 28,451 kabuuang hospital beds sa buong bansa, 7,333 ang okupado habang 21,118 ang bakante.

May kabuuang 11,706 na indibidwal ang nasuri para sa virus noong Linggo, Setyembre 25, habang 313 testing laboratories ang nagsumite ng kanilang mga resulta. Jocelyn Tabangcura-Domenden