COVID active cases bumaba sa 11,779; 6 patay

COVID active cases bumaba sa 11,779; 6 patay

January 6, 2023 @ 8:31 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 459 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas nitong Huwebes, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang mga bagong kaso ay higit sa isang daan na mas mataas kaysa sa naitalang 326 dagdag-kaso noong Miyerkoles.

Sa kabila ng pagtaas ng mga bagong impeksyon, patuloy na bumababa ang aktibong tally na may 11,779.

Ang mga kaso sa buong bansa ngayon ay kabuuang 4,065,910, idinagdag ng DOH.

Nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa mga rehiyon na may pinakamaraming kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may 2,519 na impeksyon.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 1,211, Central Luzon na may 581, Western Visayas na may 341, at Cagayan Valley na may 270.

Ang recovery tally ay tumaas sa 3,988,860, habang ang death toll ay tumaas din sa 65,451 na may anim na bagong nasawi.

Ang bed occupancy ng bansa ay nasa 19.5%, na may 5,324 na kama ang okupado at 21,979 ang bakante noong Martes, Enero 3.

May kabuuang 11,080 indibidwal ang nasuri, habang 330 testing lab ang nagsumite ng data noong Miyerkules, Enero 4. RNT