COVID alert level sa Pinas, status quo pa rin-OPS

COVID alert level sa Pinas, status quo pa rin-OPS

July 29, 2022 @ 6:53 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Mananatiling epektibo ang nakataas na coronavirus disease 2019 (Covid-19) alert status sa bansa hanggang sa ipahayag ang mga bagong klasipikasyon, sinabi ng Malacañang ngayong Biyernes.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na sinusuri pa rin kasi ng Department of Health (DOH) ang Covid-19 alert level system.

“So, we’ll have to wait. Anyway, right now, it’s status quo, so we’ll maintain alert levels for now. But the entire process is also continuously under review so we have to wait,” ani Cruz sa palace reporters.

Sinabi rin ng kalihim na malamang ay magkaroon ng bagong anunsyo ukol sa COVID alert system bago mag-Agosto.

Pero nilinaw niya na ang COVID alert system ay nananatiling status quo.

Habang hinihintay ang pagrepaso sa mga klasipikasyon sa antas ng alerto, sumang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihin ang pinaka maluwag na Alert Level 1 na klasipikasyon sa higit sa kalahati ng Pilipinas, kabilang ang Metro Manila.

Sa kabuuan, 85 sa 121 probinsya, highly urbanized na lungsod, independent component cities, gayundin ang 166 sa 744 iba pang component na lungsod at munisipalidad, ay kasalukuyang nasa Alert Level 1.

Nauna nang sinabi ni DOH Officer in Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na maaaring makabuo ang departamento ng mga bagong klasipikasyon ng Covid-19 sa ikalawang linggo ng Agosto.

Isinasaayos din ng DOH ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at ibinalik ang mga trabaho sa mga  “relevant and intended functions.” RNT