COVID alert levels sa Pinas babaguhin sa Agosto-PBBM

COVID alert levels sa Pinas babaguhin sa Agosto-PBBM

July 19, 2022 @ 7:13 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinanatili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang COVID-19 Alert Level System hanggang katapusan ng Hulyo.

Ito ay pansamantala lang  habang pinag-aaralan na baguhin o i-reclassify ang restrictions na komportable sa kasalukuyang milder strains ng COVID.

Inihayag din ng mga health authorities na makapagpapalabas sila ng bagong alert level classification sa kalagitnaan ng Agosto.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang alert level ay maaaring i-adjust o i- improved kung ang mga tao ay magpapa-booster shots.

“To avoid confusion, we will retain the alert level system for now. We are however thinking, we are studying very closely, and we’ll come to a decision very soon as to decoupling the restrictions from the alert levels,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa pulong kay Department of Health Officer-In-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na ang DOH ay maaaring makapagpalabas ng bagong classifications sa ikalawang linggo ng Agosto.

‘Mid-August is a suitable period to loosen up to allay fears of the medical community and give them time to make COVID-19 cases more manageable,” ayon kay Vergeire.

Aniya, ang bansa ay nahaharap sa “uptick” sa COVID-19 cases dahil sa mataas na nakahahawang Omicron BA.5 variant.

Base sa kasalukuyang pagtataya, “more relaxed compliance to minimum public health standards (MPHS) would result in a higher number of COVID-19 cases,” ayon kay Vergeire.

“With the emergence of new COVID-19 variants, the virus’ immune-escaping mechanism also increased. Experts project that if eligible individuals do not take the jabs, the country will witness increased hospitalizations by September,” aniya pa rin.

“So that’s why we really wanted to capture all of this eligible population bago dumating ‘yung time na projection na sinasabing September,” lahad nito. Kris Jose