COVID antigen test sa PRC, P400 na lang-Gordon

COVID antigen test sa PRC, P400 na lang-Gordon

September 9, 2022 @ 9:28 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Red Cross (PRC) na ang kanilang COVID-19 Antigen Test, isang mas mabilis at mas murang COVID-19 testing alternative.

Sinabi ni PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon na simula nitong Huwebes, ang molecular laboratories ng PRC sa PLMC Building sa Mandaluyong City at ang PRC Port Area Offices ay mag-aalok ng COVID-19 antigen tests sa halagang P400.00.

“The pandemic is still here, and there is still a critical need in our country to continue testing. Although Omicron infections appear milder, there is a need to urge caution because the virus is still spreading. Now with our COVID-19 antigen testing, PRC can provide diagnosis in minutes. With the price of 400 pesos, it is within reach of our people,” sabi ni Gordon.

Ang booking ng appointment para sa PRC antigen test ay maaring gawin sa pamamagitan ng book.redcross.com.ph.

Pinaalalahanan naman ng PRC ang publiko na ang  RT-PCR Swab at Saliva tests ay nanatiling gold standard pagdating sa pagtukoy ng COVID-19  na parehong makukuha sa PRC molecular laboratories.

“Ang Philippine Red Cross ang kauna-unahang nagkaroon ng automated RT-PCR tests sa Pilipinas. Araw-araw, sinisikap ng aming volunteers at staff na laging maging una, laging handa, at laging nandyan para sa ating mga kababayan sa panahon ng emergency at sakuna. Maraming nasagip na buhay dahil sa mga laboratories ng PRC,” sabi ni Gordon. Jocelyn Tabangcura-Domenden