COVID attack rate sa NCR bumaba na sa 83.93%; severe pa rin — OCTA

COVID attack rate sa NCR bumaba na sa 83.93%; severe pa rin — OCTA

January 22, 2022 @ 2:12 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Bumagsak na  sa 93.82% ang COVID-19 average daily attack rate (ADAR) ng National Capital Region ngunit nananatili pa rin sa severe level, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.

Sa Twitter post, sinabi ni David na indikasyon ito na ang NCR ay may “high” reproduction number na 1.38.

Tinutukoy sa reproduction rate ang bilang ng tao na infected ng isang kaso.

Ang ADAR ng NCR ay nasa 93.82% noong Biyernes na mas mababa sa datos noong Miyerkoles.

Bukod pa rito, may severe ADAR din ang Baguio City na nasa 152.65%. RNT/FGDC