COVID booster vax sa 12-17 years old posibleng simulan na

COVID booster vax sa 12-17 years old posibleng simulan na

June 29, 2022 @ 5:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakatakda nang simulan ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Ayon sa DOH, ito ay kasunod nang pagsisimula ng pagbibigay naman ng booster shot sa immunocompromised A3 priority group ng pangkat 12 hanggang 17 na edad na nagsimula noong Hunyo 23.

Muling hinikayat ng DOH ang publiko at mga magulang o guardian na makiisa sa rollout ng booster shot, pabakunahan ang mga anak upang madagdagan ang proteksyon laban sa nakahahawang sakit.

Sa datos ng DOH, umabot na sa 70,580,562 ang kabuuang bilang ng mga indibiduwal na nakatanggap ng kumpletong dose ng bakuna hanggang Hunyo 28.

Sa booster shots naman ay umabot na sa 14,942,448  ang naturukan. Jocelyn Tabangcura-Domenden