COVID case fatality rate pinakamataas sa mga senior mula June ‘gang Sept. – Octa

COVID case fatality rate pinakamataas sa mga senior mula June ‘gang Sept. – Octa

September 19, 2022 @ 10:06 AM 6 days ago


MANILA, Philippines- Pinakamataas ang COVID-19 case fatality rate sa senior citizens mula Hunyo hanggang Setyembre ngayong taon, ayon sa independent analytics group Octa Research nitong Lunes, batay sa datos mula sa Department of Health (DOH).

Tinukoy ni Octa Research fellow Guido David ang case fatality rate bilang “death rate among reported [COVID-19] cases.”

Mula Hunyo hanggang ikatlong quarter, ang fatality rate sa matatanda ay 2.06 percent, na pinakamataas sa lahat ng age groups.

Ito ay reversal of trend matapos ihayag ng DOH nitong Mayo na ang mga namamatay sa bansa dahil sa COVD-19 ay umuunti na.

Samantala, ang 18-to-49 age group, ay may pinakamababang case fatality rate na 0.14 percent sa parehong period.

Samantala, ang mga sumusunod ang case fatality rates sa lahat ng age groups batay sa naka-post sa Twitter account ni David:

  • 0-4 years old – 0.15 percent

  • 5-11 years old – 0.20 percent

  • 12-17 years old – 0.22 percent

  • 18-49 years old – 0.14 percent

  • 50-59 years old – 0.69 percent

  • 60 years old and above – 2.06 percent

Batay sa datos ng DOH, 62,549 indibidwal na ang nasawi sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sa mahigit tatlong milyong COVID-19 infections sa bansa, 26,401 ang aktibong kaso. RNT/SA