COVID case growth rate sa NCR bumaba sa 2%- OCTA

COVID case growth rate sa NCR bumaba sa 2%- OCTA

January 16, 2022 @ 9:54 AM 7 months ago


MANILA, Philippines-Nakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng 2 porsyentong coronavirus disease (COVID-19) case growth rate sa seven-day average nitong Sabado, na nangangahulugang malapit na sa peak ang mga kaso o limitado ito ng testing capacity, batay sa independent monitoring group OCTA Research.

Sa tweet nitong Linggo, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nakapagtala sa NCR ng 18,422 bagong kaso nitong Sabado na pasok umano sa range na kanilang inaasahan.

Dahil dito, mula sa 3 porsyentong daily growth rate ng seven-day average noong Biyernes, bumaba na ito sa 2 porsyento.

“If new cases start to decrease in the NCR over the next week, then it is the first case,” paliwanag ni David.

“In the second case, we will see the number of new cases continue to hover around the same level, until the downward trend happens,” dagdag pa niya.

Subalit nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Sabado na inaasahang dodoble ang aktibong COVID-19 cases sa NCR sa ikalawang linggo ng Pebrero. RNT/SA