COVID case nag-peak na sa Cebu City — OCTA

COVID case nag-peak na sa Cebu City — OCTA

January 29, 2022 @ 2:26 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit na posibleng naabot na ng Cebu City ang peak ng COVID case at posibleng nasa downward trajectory na.

Sa isang tweet, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang reproduction number ng Cebu City ay bumaba na sa 2.03 mula sa 3.94 noong nakaraang linggo.

Habang ang average daily attack rate o incidence rate mula Enero 22 hanggang 28 ay nananatiling ‘very high’ sa 62.27 kaso kada araw sa bawat 100,000 katao.

Naitala ang positivity rate sa  Cebu City sa39 porsyento habang ang healthcare utilization naman ay moderate sa 60 porsyento.

 “This means the public must continue to comply strictly with public health protocols,” dagdag pa ni David. RNT/FGDC