COVID case sa 7 highly-urbanized city tumataas — OCTA

COVID case sa 7 highly-urbanized city tumataas — OCTA

January 22, 2022 @ 1:21 PM 9 months ago


Manila, Philippines —  Iniulat na patuloy na tumataas ang kaso ng COVID sa pitong highly-urbanized city sa bansa, ayon sa OCTA Research.

Sa ibinahagi na datos ni OCTA Research fellow Guido David, naoobserbahan an paglobo ng COVID sa Baguio City, Iloilo City, Cebu City, Lapu-Lapu City, Tacloban City, Davao City, at CDO (Cagayan de Oro).”

Habang bumabagal naman ang surge sa Angeles, Lucena, at Olongapo gayundin ang pababang trend sa Metro Manila.

Nakita sa datos na mayroon ang Metro Manila na -30 one-week growth rate ng COVID-19 case habang ang Baguio City ay may 137 percent growth rate; Iloilo City, 208 percent; Cebu City, 254 percent; Lapu-Lapu City, 96 percent; Tacloban, 142 percent; Davao City, 299 percent; at Cagayan de Oro na may 236 percent. RNT/FGDC