COVID case sa CAMANAVA muling tumataas

COVID case sa CAMANAVA muling tumataas

July 9, 2021 @ 7:33 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Isa ang natodas dahil sa pandemya sa Navotas nitong Hulyo 8, kasabay ng muling pag-akyat sa moderate-risk ng case transmission o hawaan ng COVID-19 sa Navotas.

Pumalo na sa 11,112 ang tinamaan ng COVID-19 sa Navoas at sa nasabing bilang ay 10, 626 na ang gumaling, 372 na ang namatay at 114 ang  active cases matapos na pito ang mahawaan at lima lamang ang gumaling.

Samantala sumipa sa 161 ang active cases sa Valenzuela City matapos na 43 ang magpositibo at 18 lamang ang gumaling.

Umabot na sa 20,849 ang nasapul ng pandmeya sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 20,148 na ang gumaling at hindi nadagdagan ang  540 pandemic fatalities.

Ayon naman sa Malabon City Health Department, 12 ang nadagdag na confirmed case at sa kabuuan ay 13,590 ang positive cases sa lungsod kaya’t umigkas sa 126 ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Catmon (4), Ibaba (1), Longos (5), Potrero (1), at Tugatog (1).

Sa kabilang banda, dalawang pasyente lamang  ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Bayan-bayanan (1) at Longos (1). Sa kabuuan ay 13,011 ang recovered patients ng Malabon at hindi nadagdagan ang 453 COVID death toll ng lungsod.

Hindi pa naglalabas ng COVID-19 case update ang Caloocan City habang isinusulat ito. Merly Iral