COVID case sa labas ng NCR Plus pumalo sa 200% sa 8 araw — OCTA

COVID case sa labas ng NCR Plus pumalo sa 200% sa 8 araw — OCTA

January 21, 2022 @ 12:34 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Umabot naman sa 200% sa loob ng walong araw ang kaso ng COVID sa labas ng NCR Plus, ayon sa OCTA Research.

Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na tumaas ang kaso ng COVID sa NCR mula 4,000 noong Enero 12 hanggang 12,000 nitong Enero 20.

“Although there’s a noticeable downward trajectory in the NCR and possibly in Region IV-A and parts of Region IV-A, there’s now an upward trajectory in other parts of the country,” ani David sa Go Negosyo briefing.

Sa Cebu City, na-project na maaaring maabot ang peak ng kaso sa kulang-kulang  1,000.

“They’re definitely on an increasing trend, it’s not yet peaking. But based on the projections, it may actually peak around less than 1,000 cases. Sometime by the end of January, based on the projections.” RNT/FGDC