COVID case sa NCR papalo sa 11K ngayong araw — OCTA

COVID case sa NCR papalo sa 11K ngayong araw — OCTA

January 6, 2022 @ 8:51 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Inaasahang papalo ang kaso ng COVID sa National Capital Region (NCR) sa 10,000 hanggang 11,000 bagong kaso ng COVID-19, batay sa independent monitoring group OCTA Research.

Sa buong bansa, aabot naman sa 15,000 hanggang 16,000 ang inaasahang bagong kaso, ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David sa Twitter.

Inaasahan namang papalo sa 20,000 bagong kaso ng COVID sa Biyernes.

“This projects to 15000 to 16000 new Covid-19 cases in the Philippines on January 6, with 10000 to 11000 new cases in the NCR.”

“And the surge has not peaked yet.”

 “The country is expected to exceed 20000 new cases by January 7,” dagdag pa nito.  RNT/FGDC