COVID case sa NCR pwedeng mas mataas pa ng 6-15 beses kaysa sa DOH tally

COVID case sa NCR pwedeng mas mataas pa ng 6-15 beses kaysa sa DOH tally

January 17, 2022 @ 2:23 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Posibleng mas mataas pa ng anim hanggang 15 beses ang kabuuang bilang ng COVID case sa NCR kumpara sa iniuulat ng Department of Health (DOH), batay kay  OCTA Research fellow Guido David.

Aniya, ang isinasagawang random antigen testing ng Transportation Department sa mga pasahero ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit noong Enero 12 at 13, nakitang halos 12.4% ang positibo.

“Assuming it is completely random, there was 12.4% positivity rate among these passengers who were tested, that’s about 1 out of 8 random people. It indicates that if you go out and if you meet eight people on the road, chances are, one of them likely has the virus,” lahad ni David sa CNN Philippines’ The Source.

Sinabi pa nito na kung ikukumpara ang populasyon ng National Capital Region na nasa 14 milyon, nasa 1.04 hanggang 2.44 milyon ang nagpositibo sa COVID noong Enero 13 pa lamang.

“Taking into consideration the number of cases that were reported from January 1 to 14, there will be roughly six to 15 times higher the number of actual infections which would include asymptomatics, those who don’t get tested and those tested with antigen but were not reported,” dagdag pa ni David. RNT/FGDC