COVID case sa Tokyo Paralympics tumaas sa 71

COVID case sa Tokyo Paralympics tumaas sa 71

July 21, 2021 @ 12:41 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Japan – Tumaas sa 71 ang bilang ng mga nag positibo COVID-19 sa Japan sa ginaganap na Paralympics nito lamang Martes, Hulyo 20.

Dumagdag sa bilang ang American gymnast at Czech beach volleyball player sa mga nagpositibo, ayon sa Tokyo Olympics organizers.

Sa pagsisimula noong Biyernes ng nasabing palaro ay mas lalong dumarami ang bilang ng mga nagpopositibo.

Ang naturang bilang maliban sa manlalaro ay mula sa Games contractors at volunteer.

Ang dalawang manlalaro na sina Eaker ay nasa training camp Chiba prefecture at gayundin si Perušič na nanatili sa Olympic Village sa Tokyo Bay.

Dulot nito mas lalong naghigpit ang mga organizer ng palaro sa pag iingat para sa mga manlalaro at manggagawa.

Nasa 14 na araw ng quarantine ang mga nagpositibo sa nasabing palaro.RNT/Kristine Fernandez-trainee


  •  
  •  
  •