COVID cases sa ilang lugar sa Visayas, Mindanao bumababa

COVID cases sa ilang lugar sa Visayas, Mindanao bumababa

June 24, 2021 @ 6:47 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iniulat ang bahagyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Visayas at Mindanao, batay sa OCTA Research.

Sinabi ni OCTA fellow Guido David na partikular na rito ang Iloilo, Bacolod, Cagayan de Oro, Dumaguete, at Butuan na tinukoy rin na “areas of concern.”

“We are happy to report na sa ngayon, nakikita natin bumababa na rin iyong cases sa mga lugar na ito,” pahayag pa ni David.

“Nababawasan na rin iyong concern natin sa kanila and we are happy na nami-mitigate iyong surge dito sa mga areas na ito using good pandemic management ng local government.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •