COVID cases sa Las Pinas, 21 na lang

COVID cases sa Las Pinas, 21 na lang

December 10, 2021 @ 9:30 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ni Las Pinas City Mayor Imelda Aguilar na nasa 21 na lamang ang bilang ng aktibong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod.

Sinabi ni Aguilar na base sa report ng City Health Office (CHO), 9 sa 20 barangay sa lungsod ay wala nang naitalang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Aguilar, ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ay nagpapatunay lamang na nagtagumpay ang lokal na pamahalaan sa paghimok sa lahat ng residente sa lungsod na magpabakuna ang mga ito laban sa virus.

Sa 11 barangay na may mga kaso ng COVID-19, ang Barangay Almanza Uno ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na mayroong 6 na kaso.

Ang mga residenteng may mga aktibong kaso ng COVID-19, ani pa Aguilar, ay mahigpit na binabantayan para i-monitor ang kanilang mga kalagayan kung saan ang karamihan sa mga ito ay mga pawang naka-recover at papagaling na.

Sinabi rin ni Aguilar na naabot na ng local na pamahalaan ang herd immunity na may kabuuang 524, 405 na katumbas ng 117.3 porsiyento na 70 porsiyento ng populasyon ng lungsod.

Sa kasalukuyan ay nabakunahan na ng unang dose ang 477,678 indibidwal habang nasa 106.8 porsiyento naman ng mga residente ang mga nabakunahan ng ikalawang dose o mga fully vaccinated na.

Nabanggit din ng alkalde na ang lungsod ang ika-23 na lokal na pamahalaan sa buong bansa na nakakamit ng herd immunity.

Dagdag pa ni Aguilar na hindi titigl ang lokal na pamahalaan  sa paghikayat sa lahat ng mga residente ng lungsod para sa kanilang pagbabakuna gayundinang pagpapaalala tungkol sa pagsunod sa basic health protocols upang makamtan ang kanilang target na single-digit na kaso ng COVID-19 sa darating na Pasko. James I. Catapusan