COVID cases sa NCR posibleng pumalo sa 500 sa Hunyo 30

COVID cases sa NCR posibleng pumalo sa 500 sa Hunyo 30

June 14, 2022 @ 3:12 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang papalo na sa 400 hanggang  500 cases kada araw ang nakikitang projection ng OCTA Research na maitatalang kaso ng COVID-19 pagdating ng Hunyo 30. 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi Dr Guido David na sadyang papabilis ang kasong naire- record araw- araw.

Aniya, naobserbahan nila na sa mga nakaraang mga linggo na  53% ang itinataas ng kaso mula lamang sa 10%. 

Tumaas din ayon kay David ang 7 day  average sa  mula sa 86 to 131 cases per day gayundin ang reproduction number na ngayon ay nasa 1.59 na aniya. 

At maging ang pati positivity rate ay nasa 2.7 % na habang bahagyang tumaas na din ang hospital care utilization rate dito sa Kalakhang Maynila. Kris Jose