COVID CASES SA PINAS BUMABA

COVID CASES SA PINAS BUMABA

July 14, 2021 @ 2:13 PM 1 year ago


TUMAAS ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga kalapit-bansa ng Pilipinas sa Timog-Silangang Asya gaya ng Indonesia, Malaysia at Thailand at dumami naman ang mga namamatay sa Myanmar at Cambodia.

Sa Vietnam, kung dati ay kontrolado ang pagkalat ng covid, ngayon ay unti-unti na dumarami po ang mga nagkakasakit sa mga nakalipas na linggo.

Ayon sa mga health expert, may mga dahilan upang magkakaganito ang nasabing mga bansa at isa sa mga itinuturo nila ang kakulangan ng COVID testing bilang batayan ng epektibong aksyon laban sa pandemya.

Gaya po sa Pilipinas at Indonesia, mababa ang testing rate na inaamin naman ng DOH, partikular sa National Capital Region.

Pero nasa average pa rin naman at mahigit sa 40,000 test kada araw ang naisasagawa.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, binabalanse ang pagsasagawa ng mga test para sa kaukulang aksyon.

Sa ngayon, may pagbaba ng kaso sa National Capital Region at may mga pagtaas naman sa ibang mga area.

Kaya naman, may pagtaas  naman umano ang ating mga pagte-test sa ibang rehiyon.

Dagdag ng DOH, sa pambansang antas, nanatili pa rin naman sa low risk ang klasipikasyon ng Pilipinas pero hindi umano dapat magpakampante ang bansa at kailangang ituloy pa rin ang mga prevention, detection, islolation, treatment, reintegration strategies at border control ng Pilipinas.

Ayon naman kay Health Usec. Leopoldo Vega, talagang bumababa ang mga active at new cases sa Metro Manila, maging ang mga nao-ospital.

Pero nanatili pa ring high risk ang Davao Region sa rami ng kaso at mataas na paggamit ng ICU, ayon sa DOH.

Mataas din ang ICU occupancy rate sa Soccdksargen, Caraga, Western Visayas at Bicol Region.

Bilang hakbang, binubuhusan ang mga rehiyong may pagtaas ng kaso ng mga karampatang alokasyon ng bakuna gaya ng bagong dating na Sputnik V.

Bukod pa sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Ilocos Region at Cagayan Valley na may malalaking alokasyon ng bakuna, ang mga may tumataas na kaso sa Mindanao, Kabisayaan at Bicol Region ay binubuhusan din ng mga bakuna gaya ng 132,200 na Sputnik V na binili ng gobyerno.

Oh  ano pa ang masasabi ng ating mga kababayan?

HIndi na lang testing ang ginagawa ng gobyerno kundi pagbibigay ng karampatang bakuna saanman may mga pangangailangan ng mga Filipino.

Magpa-test na, magpabakuna na tayong lahat.