COVID cases sa Pinas posibleng sumampa sa 10K – eksperto

COVID cases sa Pinas posibleng sumampa sa 10K – eksperto

July 3, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni infectious disease expert Dr.Rontgene Solante na posibleng tumaas ang kaso ng COVID-19 sa susunod na mga araw kung magiging kampante ang mga tao.

Aniya maaring tumaas sa 5,000 o 10,000 ang mga kaso kapag hindi nag-ingat tulad ng naranasan ng ibang bansa na karamihan may mga variants na B4 lalo na ang B5.

Ilan kadahilanan din aniya na maaring magpataas sa COVID-19 infection ang mababang bilang ng tao na tumanggap ng booster shots at kawalan ng bentilasyon .

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na ang ahensya ay patuloy na ipapatupad ang kasalukuyang COVID-19 response protocols hanggang may bagong direktiba mula kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr na papasok .

Gayunman, iginiit ni Solante na kailangang magtalaga ng bagong Health secretary sa lalong madaling panahon.

“Somebody should be up there in the DOH to give us a better direction now. And having a vacuum of leadership [any] longer will have an adverse effect on our control [of] this pandemic,” ani Solante. Jocelyn Tabangcura-Domenden