COVID cases sa Pinas sasampa na sa 4 milyon!

COVID cases sa Pinas sasampa na sa 4 milyon!

October 28, 2022 @ 6:37 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes ng 1,379 na bagong rehistradong kaso ng COVID-19, habang bumaba ang bilang ng aktibong impeksyon sa 21,215, habang umabot na sa 3,999,226 ang kabuuang kasong naitala sa Pinas.

Naitala ng National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming kaso nitong nakalipas na dalawang linggo na may 6,290 kaso na naiulat, sinundan ng Calabarzon na may 3,569, Central Luzon na may 2,130, Western Visayas na may 1,674, at Davao Region na may 1,263.

Hindi bababa sa 1,357 bagong pasyente ang naka-recover kaya umabot na sa 3,914,090 ang recovery tally, ayon sa DOH.

Samantala, hindi bababa sa 38 bagong nasawi ang naitala, kung saan 63,921 ang total death toll. RNT