COVID deaths, ICU admission epektibong nalalabanan ng Sinovac – Journal of Medicine

COVID deaths, ICU admission epektibong nalalabanan ng Sinovac – Journal of Medicine

September 13, 2021 @ 12:12 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Lumabas sa bagong pag-aaral na epektibo ang CoronaVac, COVID vaccine mula sa Sinovac, upang mapaliit ang tsansa ng kamatayan o maging ang mga critical at severe case mula sa COVID-19.

Sa inilabas na pag-aaral ng New England Journal of Medicine na “Effectiveness of an Inactivated SARS-CoV-2 Vaccine in Chile”, malinaw ang resultang malaking porsyento ng COVID cases sa Chile ang hindi na umabot sa malalang sitwasyon dahil sa Sinovac.

“New! Sinovac’s CoronaVac inactivated COVIDvaccine study published in the NEJM. The vaccine prevented hospitalizations by 87.5%, ICU admissions by 90.3%, death by 86.3% in >10.1 million people in Chile. This vaccine is saving lives! Let’s use it widely and save more lives!,” sinabi ni Dr. Melvin Sanicas, isang vaccinologist.

“The results show that @Sinovac’s inactivated SARS-CoV2 vaccine effectively prevented COVID-19, including severe disease & death – a finding that is consistent with results of phase 2 clinical trial of the vaccine,” dagdag pa niya.

Nilinaw naman na hindi direktang pinangalanan ang Sinovac vaccine sa nasabing pag-aaral at tinawag lamang sa uri nitong ‘inactivated SARS-CoV-2 vaccine’ isang katangian mayroon ang Sinovac.

Sa 10,187,720 participants, lumitaw na nakuha ng mga fully vaccinated ang benepisyo upang mabawasan ang banta ng kamatayan mula sa COVID-19.

“Our results suggest that the inactivated SARS-CoV-2 vaccine effectively prevented Covid-19, including severe disease and death, a finding that is consistent with results of phase 2 trials of the vaccine,” dagdag pa. RNT


  •  
  •  
  •