COVID downtrend sa 8 lugar sa Luzon naobserbahan – OCTA

COVID downtrend sa 8 lugar sa Luzon naobserbahan – OCTA

February 9, 2022 @ 1:29 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iniulat ng OCTA Research Group na walong lugar sa Luzon  ang may downtrend sa COVID case.

“Downward trends [were] observed in Angeles, Baguio City, Dagupan, Lucena, Naga City, Olongapo, Puerto Princesa, and Santiago,” ani OCTA fellow Dr. Guido David sa Twitter.

Habang ang Puerto Princesa City at Baguio City ay nasa “high risk” at ang Angeles, Dagupan, Lucena, Naga, Olongapo, at Santiago ay nananatili sa “moderate risk.”

Abiso pa ni David sa publiko, patuloy na sumunod sa health protocols upang maiwasan ang muling paglobo nito. .

Samantala, ayon sa OCTA ay patuloy ang downtrend sa COVID cases sa Metro Manila.

“This is a bit higher than our expected 500 to 600 (cases on Tuesday). This is also 19 percent of the national total.” RNT/FGDC