COVID emergency matatapos na sa 2023-WHO

COVID emergency matatapos na sa 2023-WHO

January 12, 2023 @ 8:44 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinuturing ng World Health Organization (WHO) ang pag-alis ngayong taon sa deklarasyon sa COVID-19 bilang isang public health emergency, ayon sa isang opisyal nitong Miyerkoles

“I do think this is the year, the fourth year of this pandemic, where we can really end this as an emergency everywhere. We’re on track for that,” sabi ni  Dr. Maria Van Kerkhove, WHO’s technical lead for COVID-19.

Maalala na idineklara ng WHO ang coronavirus outbreak bilang ‘public health emergency of international concern’ at bilang pandemic noong Marso 11 ng nasabi ding taon.

Ayon kay Kerkhove  sa kabila ng patuloy na viral transmission sa buong mundo, lahat ng bansa ngayon ay mayroon ng gamit upang pamahalaan ang mga malubhang kaso ng sakit at kamatayan.

“We’re in a position where we can track this virus. We’re in a position where we can treat patients [and] prevent them from developing severe disease,” aniya.

“We’re in a position where we can prevent deaths. We just have to use those tools appropriately everywhere.”

Ngunit ang survellaince at monitoring sa mga impeksyon ayon kay Kerkhove ay nananatiling kritikal habang lumalabas ang mga bago at mas transmissible omicron subvariant.

Batay sa datos ng WHO mula Disyembre 5, 2022 hanggang Enero 1 ngayong taon, nasa 14.5 milyong kaso at mahigit 46,000 bagong nasawi ang naiulat sa buong mundo.

Base naman sa pinakahuling  epidemiologic report, ang kasalukuyang thrends sa mga naiulat na kaso ng COVID-19 ay minamaliit ang tunay na bilang ng mga pandaigdigang impeksyon at reinfection gaya ng ipinapakita ng mga prevalence survey.

Inulit naman ng WHO ang kahalagahan ng pagabbakuna at boosters lalo na sa mga vulnerable.

Bagamat opsyonal na ang face masks sa ilang bahagi ng mundo, sinabi ni Kerkhove na nanatili ito upang maging isa sa mga tanda ng pagtugon sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden