COVID facilities pinagagawang evacuation center ni Angara

COVID facilities pinagagawang evacuation center ni Angara

November 4, 2022 @ 2:09 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nais gawin ni Senador Sonny Angara ang mga COVID-19 quarantine at isolation facilties na maging evacuation sites na lamang.

Ito ang kanyang ibinahagi nitong Biyernes, Nobyembre 4 dahil ang nakahahawang sakit ay kontrolado naman na.

“We want to see the utilization rate of these facilities and I suspect that many of them are no longer being utilized now. We can put them to good use by converting them as evacuation centers for families affected by the typhoons that hit our country several times in a year,” suhestyon ni Angara.

Dagdag pa, maiiwasan na rin nito na magamit ang mga pampublikong paaralan na karaniwang ginagawang evacuation sites tuwing may kalamidad.

“Instead of suspending classes indefinitely after a storm hits a locality, having these isolation facilities available for use by the displaced families, together with the multi-purpose courts or gymnasiums, will spare the schools and ensure the continuous education of our students,” paliwanag pa niya.

Ayon pa sa Senador, maliban sa bumababang kaso ng COVID-19, karaniwang naka-home quarantine na lamang ang mga pasyenteng may mild symptoms nito. RNT/JGC