COVID growth rate bahagyang bumaba; NCR nasa ‘critical risk’ pa rin —OCTA

COVID growth rate bahagyang bumaba; NCR nasa ‘critical risk’ pa rin —OCTA

January 21, 2022 @ 9:00 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Bahagyang bumaba ang lingguhang COVID growth rate ng Metro Manila sa -20% mula sa -10%.

Sa kabila nito, nananatili naman ang estado sa critical risk, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.

Sa Twitter, sinabi ni David na ang reproduction number o transmission rate ng COVID-19 sa NCR ay bumaba sa 1.58 mula sa 1.79.

“The one-week growth rate in the NCR decreased to -20%, while the reproduction number decreased to 1.58,” punto ni David.

Nasa critical risk pa rin aniya ang Metro Manila dahil sa may average na 13,000 ang bagong kaso nito kada araw.

Nauna naming sinabi ni National Task Force against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa na mahirap at maaga pa para sabihing may downtrend na dahil ina-assess pa rin nila ang mga datos. RNT/FGDC