COVID health emergency target wakasan ng WHO sa pagtatapos ng 2022

COVID health emergency target wakasan ng WHO sa pagtatapos ng 2022

October 17, 2022 @ 7:42 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Binabalak ng World Health Organization (WHO) na wakasan ang global health emergency sa COVID-19 sa pagtatapos ng 2022, subalit marami pa umanong dapat gawin, ayon sa opisyal.

Sa social media forum kamakailan, sinabi ni WHO’s COVID-19 Technical Lead Dr. Maria Van Kerkhove na ilang bansa ang maayos na napangasiwaan ang COVID-19 at na-minimize ang bilang ng mga pagkasawi, subalit hindi pa rin katanggap-tanggap ang mga bilang.

Sa pinakabagong datos, nakapagtala ang WHO logged ng 9,000 fatalities mula Oct. 3 hanggang 9, na bahagyang mas mataas kumpara sa 8,300 deaths noong nakalipas na linggo.

“Our goal, that we laid out in the latest Global Strategic Preparedness and Response Plan, was to end the emergency of COVID by the end of this year. We’re not quite there yet,” giit ni Van Kerkhove.

“We are still seeing some decline, potentially a stabilization in deaths. But last week alone, 9,002 people lost their lives to COVID-19 that we know about and it’s probably a higher number than that. That’s really quite a high number,” aniya pa.

Idineklara ng WHO noong 2020 ang Public Health Emergency of International Concern sa outbreak ng tinatawag dating novel coronavirus, at ibinabala ang panganib ng virus sa mga bansa bukod sa pinagmulan nito sa Wuhan, China at ang pangangailangan para sa international response.

Nitong Biyernes, nag-convene muli ang WHO’s Emergency Committee on COVID-19 upang talakayin ang pandemic situation.

“The virus is here to stay with us. We have to live with it responsibly. We’re not quite there yet. And the pandemic itself will end, but it’s just not over yet,” sabi ni Van Kerkhove.

“We want to reach 100 percent of people over 60 in every country, 100 percent of people with underlying conditions in every country, and 100 percent of our healthcare workers in every country. We have not reached those targets. If we look at it by regions, there is a huge discrepancy in vaccination coverage of the most at-risk, of our healthcare workers,” dagdag niya.

Sa Pilipinas, mayroong mahigit 9.2 milyong senior citizens, subalit  6.8 milyon lamang ang fully vaccinated; at sa 14. 5 milyong indibidwal na may comorbidities, 9.4 milyon lamang ang fully vaccinated, batay sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH).

Inihayag ni Philippine infectious diseases specialist Dr. Rontgene Solante na masasabing endemic na ang COVID-19 sa bansa kung ang positivity rate ay mas mababa sa 10 porsyento, ang healthcare utilization rate ay mababa sa 50 porsyento at hindi bababa sa 50 porsyento ng populasyon ang naturukan na ng booster shots laban sa sakit.

Subalit kahit na umiiral pa rin ang pandemic, ang pagkilos ng mga tao ay para nang nasa endemic state, base kay Solante.

“If you look at what we’re doing now, mobility is increased, workplace capacity is already 100 percent, public transportation is already 100 percent. So, we’re on that way na. Pero hindi na magiging normal ‘yan na kagaya before because I would say, ‘yung face mask natin mukhang ‘di natin matatanggal ‘yan indoor, tutuloy pa rin ang magpapabakuna, at i-enhance pa rin natin ‘yung mga gamot para sa COVID,” ani Solante. RNT/SA