‘Salamat, PRRD!’ — Bong Go

MANILA, Philippines- Ilang araw bago matapos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang termino, nagtipon-tipon ang kanyang mga tagasuporta sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila noong Linggo para magsagawa ng thanksgiving concert kung saan nagpahayag sila ng pasasalamat sa lahat ng positibong pagbabago na naidulot ng Pangulo sa kanilang buhay at sa bansa.
Sa pagbabalik-tanaw kung paano niya personal na nasaksihan ang tagumpay ng Pangulo bilang isang pinuno, ibinahagi ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang mahigit 20 taong karanasan sa pagtatrabaho para kay Pangulong Duterte at kung paano ito nakaimpluwensya nang malaki sa kanya sa paglilingkod sa mamamayang Pilipino.
“Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, si PRRD kung tawagin siya ngayon, ay mahal pong kaibigan ni Lolo at siya ang kinatawan ng unang distrito ng Davao City. Hindi ko na malinaw na natatandaan kung paano nangyari, pero unti-unti, dumating siya para ipagkatiwala sa akin ang mas maraming responsibilidad hanggang sa naging ‘go-to guy’ niya ako sa buong isang termino niya bilang congressman, isang termino bilang vice mayor, apat sa pitong termino bilang alkalde ng lungsod, at panghuli bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas,” paggunita ni Go.
Ibinahagi din ni Go kung paano siya hinimok ni Pangulong Duterte na tumakbong senador sa 2019 elections. Nagpasalamat ang senador sa Pangulo sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya na binibigyang-diin kung paano siya tinulungan ni PRRD na hubugin kung ano siya ngayon.
“Sa lahat ng mga taon ng paglalakad sa likod ng isang matatag na pinuno at isang mahabagin na lingkod-bayan tulad ni Pangulong Duterte ay nakatanim sa akin ang mga halaga ng pagsusumikap, dedikasyon, at katapatan sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino. Hindi kalabisan na sabihin na hinulma ako sa kung ano ako ngayon, higit sa lahat ay dahil kay PRRD,” ayon kay Go.
“Kaya, kahit na mahalal ako bilang senador at kung saan man tayo dalhin ng tadhana, patuloy akong maninindigan sa likod ni Pangulong Duterte. True to his dedication to public service, which I have always admired, he continues to work until his very last day in office,” patuloy ng senador.
Binanggit pa ng senador na kahit nitong mga nakaraang araw, na tinaguriang “takip-silim ng kanyang termino sa pagkapangulo”, ay patuloy na ginagawa ni PRRD ang lahat ng pagsisikap na matupad ang kanyang mga tungkulin sa bansa.
“Natitiyak ko rin na kahit na lampas sa kanyang termino, ang kanyang puso ay parating para sa mamamayang Pilipino,” dagdag ni Go.
Pinasalamatan din ng senador ang mamamayang Pilipino sa pagtitiwala sa paraan ng pamumuno ni Pangulong Duterte, na idiniin kung paano patuloy na nakatanggap ng kasiya-siyang rating ang Pangulo sa nakalipas na anim na taon.
Nangako si Go na ipagpapatuloy niya ang mga positibong pagbabago na nasimulan ng Pangulo at magsisikap na mabigyan ng mas komportableng buhay ang lahat ng Pilipino.
“Itong walang kompromisong desisyon na magbigay ng mas komportableng buhay para sa lahat ng Pilipino ay isa lamang sa maraming dahilan kung bakit hindi ko maiwasang mamangha kay Pangulong Duterte. Ang kanyang mahigpit at makatuturang pamumuno, pagmamaneho para sa mga resulta, at walang kapagurang pagnanais na tumulong at maabot ang ating mga tao ay mga katangiang nagpamahal sa kanya sa akin at sa halos lahat ng mga taong nakilala niya,” pagbabahagi ni Go.
“Kaya naman, bilang senador, nangako akong ipagpapatuloy ang mga positibong pagbabago na pinasimulan ni Pangulong Duterte, lalo na sa paglaban sa iligal na droga, kriminalidad, at katiwalian,” diin niya.
Inialay ng iba’t ibang artista ang kanilang mga pagtatanghal sa Pangulo sa nasabing event bilang kanilang paraan ng kanilang pasasalamat sa serbisyo ni PRRD sa sambayanang Pilipino sa nakalipas na anim na taon.
Kabilang sa mga gumanap ay sina Robert Seña, Isay Alvarez-Seña, Jed Madela, Freddie Aguilar, Dulce, Chad Borja, Ice Seguerra, Jimmy Bondoc, Martin Nievera, Moymoy Palaboy, Mocha Girls, Florante, Andrew E, Philippine Philharmonic Orchestra, at mga manggagawa mula sa iba’t ibang ospital.
Nagsilbing host sa event sina Mariel Rodriguez-Padilla, Bayani Agbayani at Arnell Ignacio.
“Ang walang katapusang pagpupursige na ito na tulungan ang higit pa sa ating mga kababayan ay ipinakita sa akin na halimbawa ni Pangulong Duterte. Isa lang ako sa milyon-milyong nagbago ang buhay dahil sa kanya. Hindi magiging sapat ang mga salita para ipahayag ang aking pasasalamat sa kanya. Ako ay magpapasalamat magpakailanman sa kanyang pagiging huwaran, tagapagturo, at boss. Maraming salamat, PRRD,” pagtatapos ni Go. RNT
BTS fans, nanggalaiti sa ‘racist’ Pinoy vlogger

MANILA, Philippines – Gigil na gigil ang fans ng sikat na Kpop group na BTS sa isang Filipino vlogger.
Ito ay dahil umano sa racist remarks nitong ipinalabas sa official Tiktok account.
Sa video na ipinalabas ni Bryanboy, isang Filipino influencer at vlogger na mayroong milyon-milyong follower, sinagot niya ang tanong kung nakasalamuha o nakita na ba niya in person si BTS member ‘Taehyung’ o kilala sa tawag na V.
Ayon sa fans, tila ay nilibak niya ang BTS member nang sadya nitong maliin ang pagbigkas ng pangalan nito kung kaya’t nag-iba ang kahulugan ng pangalan ni Taehyung.
Kung akala niya ay nakakatuwa ang kanyang ginagawa ay nagpatuloy pa sa pagbibiro ang vlogger na kalaunan ay nagtrending hindi lamang sa Tiktok kundi maging sa Twitter.
Sigaw ng fans, i-report ang account ni Bryanboy. Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang sikat na vlogger/influencer. RNT/JGC
Digong pumiyok: Pres’l powers ginamit vs ABS-CBN

MANILA, Philippines – Inamin ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte na talagang tinira nito ang ABS-CBN at sinabihan ang mga miyembro ng Kongreso na nakikipag-deal sila sa isang “mandaraya.”
“Tinira ko talaga sila,” ayon kay Pangulong Duterte.
“I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels and if you continue to kowtow with them, kawawa ang Pilipino” dagdag na pahayag nito sa kanyang naging talumpati sa oath-taking ng mga lokal na opisyal sa kanyang hometown sa Davao City.
Sa talumpati pa rin ng Pangulo, mayroon ding itong mga pahayag sa ibang negosyo na nagsasamantala sa mga Filipino.
Matatandaang, Mayo ng taong 2020 nang magpalabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN na iniuutos ang pagtigil ng operasyon ng kompanya matapos mapaso ang prangkisa nito.
Sa direktiba, inutusan ng NTC ang network na itigil ang kanilang mga TV at radio operation habang wala pa itong karampatang prangkisa.
Hulyo ng taong 2020 pa rin nang ibasura ng Kamara ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa nito.
Nasa 70 mambabatas ang bumoto pabor sa resolusyon ng binuong technical working group na nirekomendang huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, kumpara sa 11 na tumutol dito.
Samantala, dalawa ang nag-inhibit at isa ang nag-abstain.
Nagmula ang mga mambabatas sa House committee on legislative franchises at mga lider ng Kamara na ex-officio members.
Labing-dalawang beses humarap sa Kamara ang mga opisyal ng ABS-CBN para manawagan ng bagong prangkisa na makapag-operate alang-alang sa 11,000 manggagawang nakadepende sa network. Kris Jose
Pagbabawal ng aborsyon sa US, ikinatuwa ng CBCP

MANILA, Philippines – Kaisa ang Philippines (CBCP) – Episcopal Office on Women sa makasaysayang araw para sa Estados Unidos matapos na baliktarin ng US Supreme Court ang naunang desisyon ng Korte Suprema sa Roe v. Wade noong 1973 na nagpapahintulot ng aborsyon sa nasabing bansa.
Ang naging desisyon ng US Supreme Court na ipagbawal na ang aborsyon o ang pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan sa Amerika ay isang magandang balita ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez na siyang chairman ng tanggapan.
Inihayag ng Obispo na makabuluhan ang desisyon ng Korte Suprema ng Estados Unidos na naliwanagan ng Banal na Espiritu lalo’t ginugunita ng Simbahang Katolika sa Roma ang World Meeting of Families sa pangunguna ng Santo Papa Francisco.
“Good news ang nangyayari sa USA Supreme Court to ban abortion. A decision enlightened by the Holy Spirit. It was timely when Rome celebrated World Meeting of Families led by Pope Francis.” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.
Umaasa naman si Bishop Varquez na matutunan ng mga kababaihang nagdusa dahil sa pagpapalaglag ng kanilang supling na patawarin ang sarili kasabay ng paghingi ng kapatawaran sa Panginoon at sa kanilang mga inosenteng sanggol.
“They need to ask forgiveness from God, from their aborted babies and learn to forgive themselves as well.” Dagdag pa ni Bishop Varquez.
Unang inihayag ng U.S. Conference of Catholic Bishops (USCCB) na sa loob ng mahabang panahon ay maituturing na naabuso ng mga mamamayan ng Estados Unidos ang ipinagkaloob ng Panginoon na kalayaang makapagdesisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Barangay kagawad utas sa tandem
