COVID isolation facility sa Batangas, binuksan ng DOH

COVID isolation facility sa Batangas, binuksan ng DOH

January 19, 2021 @ 3:19 PM 11 months ago


MALVAR, Batangas – Pormal nang binuksan ng Department of Health (DOH) -– CALABARZON kasama ang Health Futures, Incorporated ang Community Isolation Unit (CIU) para sa COVID-19 patients sa Barangay Poblacion, Malvar, Batangas.

Sinabi ni Regional Director Eduardo C. Janairo na ang nasabing CIUs ay makatutulong para mabawasan ang pasyente sa mga pangunahing hospital para sa normal na operasyong tututok sa mga pasyenteng may COVID-19.

Nagpasalamat naman si Janairo sa patuloy na pagsuporta ng HFI at iba pang katuwang na ahensya sa paglaban sa COVID-19.

Ginastusan ng P1.2 milyon ang Malvar CIU na may 8 bed capacity at ito ay pangangasiwaan ng Malvar LGU na suportado naman ng DOH-CALABARZON ang manpower nito.

Ang CIUs ay inisyatiba ng  HFI  sa pakikipagtulungan ng Direct Relief and Unity in Isolation kasama ang DOH Calabarzon, Malvar LGUs, Palawan Pawnshop Express Pera Padala, Boysen Phil, UAP Laguna at Ardegal Construction. Jocelyn Tabangcura-Domenden