COVID ligwak na sa ‘top causes of death’ sa Pinas

COVID ligwak na sa ‘top causes of death’ sa Pinas

January 26, 2023 @ 11:36 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Wala na sa top 10 spot ang pagkamatay sa COVID-19 na sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas ang COVID-19, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, nakita noong 2021 ang naging pangatlong dahilan ng pagkamatay ang COVID-19 sa bansa.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority na ang pagkamatay ay dahil sa COVID-19 ay pumuwesto na lamang sa ika-11 dahilan ng pagkamatay noong Oktubre 2022.

Nagpapahiwatig aniya na kakaunti nalang ang namamatay dahil sa COVID dito sa bansa at maiiwasan ang higit pang pagkamatay dahil sa sakit.

Sa ngayon ang bansa ay nakapagtala ng 4.07 milyong COVID cases at mahigit sa  65,716 pagkamatay.

Ayon sa ulat ng PSA, ang iba pang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa ay pneumonia (ikaanim); iba pang mga sakit na may kaugnayan sa puso (ikapito); talamak na mas mababang mga sakit sa paghinga (ika-walo); mga sakit sa genitourinary system (ika-siyam); at respiratory tuberculosis (ikasampu).

Sa kasalukuyan, isinusulong ng DOH ang mga programa sa healthy behaviors at lifestyle upang  matulungan ang publiko na maiwasan ang  preventable diseases katulad nito na magiging sanhi ng pagkamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden